^

Police Metro

Sen. Alan: Walang senator-judge ang dapat pumalit kay VP Sara

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan si ­Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa kapwa niya senator-judges na magdeklara sila sa publiko na hindi nila tatanggapin ang posisyon na maging bise presidente kung sakali na si Vice President Sara Duterte ay ma-convict at matanggal sa puwesto upang maiwasan ang conflict of interest sa mga pag­lilitis sa impeachment.

Iginiit din ni Cayetano na dapat may “political neutrality” ang lahat ng senador na magsisilbing hukom sa impeachment trial na kinasasangkutan ng mga pinakamataas na opisyal ng bansa.

Nauna rito, sinabi ni impeachment court presiding officer at Senator Francis “Chiz” Escudero na tatanggihan ang pagka-bise presidente kung iaalok ito sa kanya sakaling maalis sa  puwesto si Duterte.

Sa ilalim ng Konstitus­yon, ang Senado ang may natatanging kapangyarihang litisin at magpasya sa mga impeachment case. Para sa conviction, kinakailangan ang pagsang-ayon ng two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado.

Kung mababakante ang posisyon ng bise presidente, magmumungkahi ang ­pangulo ng kapalit mula sa mga miyembro ng Senado at Kamara de Representantes.

Ang naturang nominasyon ay kailangang aprubahan ng mayoryang boto nang lahat ng miyembro ng dalawang kapulu­ngan, na hiwalay na boboto.

Bagama’t hindi awtomatikong diskuwalipikado ang mga senador na humalili sa pagka-bise pre­sidente, binibigyang-diin ni Cayetano ang kahalagahan ng pag-iwas kahit sa ­impresyon na may personal na pakinabang sa politika.

Kinontra naman ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang panawagan ni Cayetano pero agad nitong nilinaw ni Lacson na hindi siya intresado lalo pa’t manunungkulan siya hanggang 2031.

Sinabi rin ni Lacson na hindi dapat pakialaman ang prerogative ng Pangulo na limitahan ang pagpipilian.

Binanggit din niya na hindi dapat tanggalin sa isang senador katulad ni Sen. Lito Lapid ang pagkakataon na ipalit kay VP Sara sakaling mapisil ito ng Pangulo.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with