^

Metro

Ombudsman nagbabala sa maling paggamit ng government fuel

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ombudsman nagbabala sa maling paggamit ng government fuel
Kasunod ito ng reklamo ni Bohol Third District Board Member Dionisio Joseph Balite laban kay Bohol Second District Board Member Vierna Mae Boniel-Maglasang, na umano’y gumamit ng 100 litro ng gasolina para sa pribadong sasakyan noong 2024.
Office of the Ombudsman Philippines / Facebook page

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Office of the Ombudsman sa mga kawani ng gobyerno laban sa paggamit ng petrolyong nakalaan para sa government vehicles sa mga pribadong sasakyan.

Kasunod ito ng reklamo ni Bohol Third District Board Member Dionisio Joseph Balite laban kay Bohol Second District Board Member Vierna Mae Boniel-Maglasang, na umano’y gumamit ng 100 litro ng gasolina para sa pribadong sasakyan noong 2024. Una nang sinibak ng Ombudsman si Boniel-Maglasang dahil sa dalawang bilang ng serious dishonesty at pinatawan ng perpetual disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, malinaw na paglabag sa accounting at auditing rules ang paggamit ng government fuel para sa pribadong sasakyan at maaari itong magdulot ng pananagutan sa ilalim ng batas. Kasama rin sa binabantayang gawain ang pagsiphon ng gasolina, pagkarga nito sa non-government vehicles at pamemeke ng mga resibo.

Iniutos din ng Ombudsman ang pagbawi sa retirement benefits ni Boniel-Maglasang.

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with