^

PSN Opinyon

Mga Pinoy sa scam center sa Cambodia: Biktima o suspek?

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Nitong nakaraang Agosto 24, 2026, isang 35-anyos na Pilipina na si De Villar Rizalyn Panganiban ang sinentensiyahan ng isang korte ng Singapore nang 25 buwang pagkabilanggo dahil sa pagkakasangkot sa isang scam syndicate na nakabase sa Cambodia.

Tila hindi gaanong maingay sa Pilipinas ang kaso ni Panga-
niban kahit madalas itong napapabalita sa ilang media outlet sa Singapore tulad ng Channel NewsAsia at Straits Times.

Gayunman, matunog sa Pilipinas ang mga balita hinggil sa mga Pilipinong nalilinlang at pinupuwersang magtrabaho sa mga scam center sa Cambodia. May mga nade-deport, pero mayroon ding nakukulong dahil na dawit sa operasyon ng mga sindikato.

Kung pagbabatayan ang mga ulat, inalok si Panganiban ng trabaho sa Cambodia sa suweldong US$1,500 kada buwan. Dahil sa kanyang mga problemang pinansiyal, tinanggap niya ang alok. Dumaan muna siya sa Malaysia bago nagtungo sa Cambodia para hindi umano siya mabisto ng Philippine immigration. Pagdating sa Cambodia, kinuha ang kanyang passport. Ang akala niya, magtatrabaho siya sa isang online gambling company. Sa halip, dinala siya sa isang scam center.

Nang matuklasan niya ang tunay na trabaho, gusto na niyang umuwi. Pero sinabi umano sa kanya ng sindikato na kailangan niyang magbayad ng US$1,000 hanggang US$2,000 para makaalis. Wala siyang ganoong pera kaya nanatili siya sa compound.

Walang ibang nakalaang detalye sa pagkatao ni Panganiban maliban sa dati siyang nagtrabaho sa isang call center sa Pilipinas.

Ayon sa hukom, may mga pagkakataon si Panganiban na makatakas sa compound ng scam center o humingi ng tulong. May cellphone din siya. Sa halip, nanatili siya sa compound at nakiba-
hagi sa ilang gawain ng sindikato.

Kaso nga, natunton at binuwag ng magkasanib na puwersa ng Singapore Police Force at Cambodian National Police ang operasyon ng sindikato noong nakaraang taon. Kabilang si Panganiban sa mga nadakip at kinasuhan bagaman may isang buwan pa lamang siyang nagtatrabaho roon.

Ang mga Pilipinong nakikita sa mga scam center sa Cambodia—biktima ba sila o mga suspek? Hindi maaa-ring basta sabihing biktima ang lahat. Hindi rin maaaring basta sabi-
hing kriminal ang lahat.

May mga Pilipinong tunay na nalilinlang sa pangakong trabaho. Mayroon ding mga taong alam na ang ginagawa nila ay panloloko, pero sumasali pa rin dahil malaki ang kinikita.

Ilang taon nang pro-
blema ang mga scam center sa Cambodia at iba pang bansa sa Southeast Asia. Marami nang Pilipino ang nasagip at napauwi mula sa mga ganitong ope-
rasyon. May ilan ding naparusahan matapos mapatunayang aktibong kasangkot sa mga sindikato.

Pero may sumusulpot pa ring mga scam center at may mga Pilipino pa ring nalilinlang at natutuksong magtrabaho roon.  Huli na ang lahat kapag natuklasan nilang biktima pala sila ng illegal recruitment at human trafficking.

Tila hindi nakarara-
ting sa kanilang kaalaman ang mga babala ng pamahalaan at ang mga balita hinggil sa mga scam center na ito. Kung may nalalaman man sila, marahil ay hindi nila ito gaanong inalintana. O baka gusto lamang nilang magbakasakali. Ang mahalaga sa kanila, makapunta sa ibang bansa at kumita ng malaking pera.

Hindi masamang mangarap ng mas magandang trabaho at mas malaking kita sa ibang bansa. Maraming Pilipino ang nakapagpabago ng buhay dahil sa pagtatrabaho sa abroad.

Dahil sa mga scam center sa Cambodia, ang inaakala mong trabaho ay maaaring maging bi-tag. At kapag nakapasok ka na sa bitag, maaaring hindi ka na makaalis. Kaya sa tanong na biktima o suspek, depende sa ginawa ng bawat isa. May mga Pilipinong biktima na kailangang sagi-
pin.

Mayroon ding mga kailangang managot sa batas. Ang mahalaga, huwag nating hintaying maging huli ang lahat bago malaman kung alin sa dalawa ang ating kinakaharap.

* * * * * * * * * *

Email -[email protected]

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with