^

Police Metro

Pagdalo ni VP Sara sa trial, respeto sa korte – Solon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang respeto sa batas ang hindi lang umano pananagutan sa mandato ng Konstitusyon ang inaasam na pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court.

Ito ang inihayag ni House prosecutor Joel Chua, kinatawan ng Manila 3rd District bilang tugon sa sinabi ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na hindi umano nangangahulugan na ang hindi pagdalo ng kaniyang kapatid sa trial ay maikokonsiderang umiiwas ito sa pananagutan.

“Well, alam mo hindi lang naman accountability ang pinag-uusapan dito, kundi respeto sa impeachment court,” saad ni Chua.

Binigyang diin pa ni Chua na sa kaniyang palagay ang hindi umano personal na pagdalo ni VP Sara sa paglilitis ay bahagi ng istratehiya ng depensa.

Nasa 16 araw na ang paglilitis ng Senate impeachment court pero hindi pa rin sumisipot si VP Sara para sagutin ang mga alegasyon.

“Pero siguro dapat nung day 1, which is maganda kung dumating siya para nagpakita siya ng respeto sa Impeachment Court,” anang solon.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with