Jodi bet ni Marya!
Matutuwa si Jodi Sta. Maria kapag nalaman nito na isa siya sa mga aktres na type na makatrabaho ni Maricel Soriano.
Malaki ang chance na magkasama ang dalawa sa isang teleserye dahil balik-ABS CBN si Maricel na aapir sa The General’s Daughter.
Ibinalita ni Maricel sa presscon kahapon ng My 2 Mommies na magsisimula sa first week ng May ang taping niya para sa The General’s Daughter.
Maricel, iba-iba ang toothbrush na ginagamit!
Si Rudy Fernandez na mahilig mag-toothbrush ang naalaala ko sa kuwento na may tatlong toothbrush si Maricel na ginagamit nito sa loob ng isang araw para sa mga pagkain.
Iba ang toothbrush ni Maricel para sa ulam at sa prutas. Mahilig din siya na gumamit ng dental floss.
Masyadong malinis sa katawan at organized sa mga gamit si Maricel. Hindi niya ipinauubaya sa mga kasambahay ang pag-aasikaso sa kanyang mga gamit dahil kaya niya na kumilos para sa sarili.
Hindi katulad si Maricel ng ibang mga artista na nakadepende sa kanilang mga personal assistant na pati ang mga panty na hinuhubad, iniuutos pa nila sa mga kasambahay.
Kris, napuyat sa pagtalak sa mga follower na umeepal
Top showbiz story of the week ang mga emote ni Kris Aquino laban kay Korina Sanchez na sure na nagulat at nagtaka dahil walang malisya ang feature story niya tungkol kay James Yap, ang ex-husband ni Kris.
Very sensitive talaga si Kris kapag si James ang topic dahil talagang lumilitaw ang pagiging tigresa niya. Actually, warrior queen ang type ni Kris na itawag sa kanya.
May mga nagkuwento sa akin na napuyat sila noong Sunday night dahil sa pagbabasa ng mga comment tungkol sa pasabog ni Kris laban kay Korina.
Sinagot kasi ni Kris ang mga basher niya na ayaw ma-miss ng kanyang followers na uhaw at sabik sa mga intriga.
Hindi naman nabigo ang mga napuyat dahil very passionate si Kris sa pagsagot sa mga bumabatikos sa kanya. I’m sure, napuyat din siya sa pagtalak sa mga nang-iimbyerna sa kanya.
Korina at Kris malabong magkaayos!
As of presstime, hindi pa sinasagot ni Mama Koring ang mga tirada ni Kris laban sa kanya.
Marami ang nag-aabang kung papatulan o dededmahin ni Mama Koring ang mga emote ni Kris na nag-edit ng statement dahil offensive ang kanyang pralala tungkol sa babae na hindi nabigyan ng chance na mabuntis at maging isang ina.
Take the higher road ang advice kay Mama Koring ng concerned citizens meaning ayaw nila na patulan ni Mama Koring si Kris.
Dating magkasama ang dalawa sa morning talk show ng ABS-CBN kaya shocked ang madlang-bayan sa mga nagaganap. Muntik pa na maging sister in-law ni Kris si Mama Koring dahil na-link ito noon kay Noynoy Aquino.
May mga nagsabi na baka hindi na maayos ang gusot sa pagitan nina Mama Koring at Kris dahil “no” ang reply nito sa tanong kung hihingi siya ng paumanhin sa kanyang mga sinabi.
Ang sey naman ng mga mahihilig sa showbiz gossip, walang offensive sa feature story ng Rated K tungkol kay James Yap at kung hindi nag-react si Kris, walang isyu na pagpipistahan ang mga tao.
- Latest




















