sikat na personalidad pinanINdigan ang baliktad na kuwento sa asawa
Nu’ng mga unang buwan ng relasyon ng dalawang sikat na personalidad sa kani-kanilang linya ay puring-puri ng partido ng lalaki ang babae. Kahit daw mula sa buena familia ang female personality ay marunong siyang magpakumbaba.
?Tinanggal niya ang pader sa pagitan ng kanyang pamilya at sa simpleng buhay lang ng pamilya ng male personality, naging maganda ang kanilang pagsasama, sinasaluduhan ng mga kamag-anak ng lalaki ang kanyang girlfriend.
?Fast forward na tayo. Ang kanilang relasyon ay nauwi sa simpleng kasalan lang. Hindi natupad ang pangarap ng female personality na lumakad siya sa pulang alpombra papunta sa altar.
?Isinuko niya ang pangarap na ‘yun dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang boyfriend na hindi maluho, napakasimple, ayaw sa mga bonggang kung anu-ano.
?Kuwento ng aming source, “Heto na. Kailangang mag-OJT sa Manila ang isang kamag-anak ng guy. Natural, pabibo ang girl, sa kanila na lang daw tumira ang relative ng kanyang husband, napakarami raw nilang kuwarto na wala namang natutulog.
?“Ilang na ilang ang kamag-anak ng lalaki, kapag nasa bahay lang pala ang napangasawa ng kanyang pinsan ay hindi naman siya kinikibo. Magsasalita lang siya kapag may iniuutos sa kanyang mga kasambahay.
?“Umalis din agad ang girl sa bahay ng kanyang pinsan, nangupahan na lang sa isang kuwartong malapit sa opisinang pinagseserbisyuhan niya, hindi siya nakatiis.
?“Marami pala kasi siyang narinig habang nandu’n siya sa house ng pinsan niya. Puro pamimintas sa kanyang pinsan, pinagtatawanan kuno ng girl ang kanyang husband habang may kausap siya sa phone.
?“Kung anu-anong kuwento ng sinasabi niya sa phone, tawa siya nang tawa, walang kaalam-alam ang kanyang husband na ipinagkakalat na pala ng wife niya ang pagkukulang niya.
?“Sinabi ‘yun ng pinsan ng male personality sa kanya, pero hindi lang kumibo ang lalaki, huwag na lang daw pansinin ang wife niya dahil palaging pagod sa trabaho. Pero nagsisimula na palang mawalan ng gana ang lalaki sa wife niya.
?“Kapag maraming tao ay ipinapahiya siya ng girl, kahit sa mga kaibigan niya ay parang sinisiraan siya ng wife niya, kaya one day isang araw, nakipaghiwalay na siya.
?“Siya ang nakipaghiwalay, hindi ang girl, pinanindigan na lang ng female personality na siya ang humiwalay sa husband niya,” pagtatapos ng aming source.
?Ubos!
Hindi nagbukas ng basura sa social media Hiwalayang Vilma-Edu, Pop-Martin mas kapuri-puri!
Kapag may pinagpipistahang kuwento tungkol sa mga personalidad na nagkahiwalay, lalo na’t nanunumbat ang babae at lantarang hinuhusgahan ang lalaki sa publiko, ay masarap magbigay ng ehemplo ng mga artistang nagkahiwalay rin pero tahimik ang sitwasyon.
?Masarap banggitin ang relasyong Vilma Santos-Edu Manzano, Christopher de Leon-Nora Aunor, Snooky Serna-Ricardo Cepeda, Maricel Soriano-Cesar Jalosjos, Rommel Padilla-Karla Estrada at marami pang ibang nagkahiwalay na personalidad.
?Silang lahat ay nagkaroon ng mga anak, pero walang anumang alingasngas na maririnig mula sa kanila, wala silang sinasabi laban sa isa’t isa.
?Maaaring nagkakaroon din sila ng mga pagtatalo, pero sinasarili na lang nila ang pag-aargumento, hindi na nila ‘yun ipinaaabot pa sa publiko para sila mapagpistahan.
?Totoong-totoo na nawala man ang pagmamahalan ay puwedeng maiwanan ang pagrerespetuhan. Minsan isang panahon ay nagmahalan din naman sila, naging saksi ang publiko sa kanilang mga pagpapalitan ng papuri, kaya bakit nila ‘yun tatapusin kapag naghiwalay na sila ng landas.
?Ang kanilang mga anak kasi ang malalagay sa kahihiyan kapag pinairal nila ang galit, ang poot, ang matinding panunumbat sa harap ng publiko. Kung meron man silang disgusto sa isa’t isa ay du’n na lang dapat magsimula ‘yun at magtapos, huwag nang idamay pa ang kanilang mga anak, dahil hindi naman nakapamimili ang mga supling ng kanilang magiging magulang.
?Sabi nga ni prop, “Look at Martin Nievara and Pops Fernandez, mas matindi pa nga ang nangyari sa hiwalayan nila, may third party. Pero hindi nila ibinilad sa publiko ang mga kapintasan nila!
?“Tanggap pa nga ni Pops ang anak ni Martin kay Katrina Ojeda, ‘di ba? At lumaking masasaya ang magkapatid na Robin at Ram. Magaling silang magdala,” papuri ni prop sa dating mag-asawa.
- Latest






















