^

True Confessions

Sa Piling ng Klapati (121)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NATANGAY lang ako ng emosyon, Mommy,” sabi ni Ruth. “Nag-react kasi ang ina ng dalagitang binigyan ko ng P100. Ang akala e kung ano ang ginagawa ko sa anak niya. Hindi niya alam e nilimusan ko dahil naaawa ako.’’

“Naikumpara mo ang iyong ina sa sa ina ng dalagita.’’

“Oo. ‘Yun ang dahilan kaya malungkot akong dumating.’’

“A kaya pala.’’

“Pero okey na ako Mommy. Hindi ko na babalikan pa ang nakaraan dahil sisirain lang ang mood ko.’’

“Korek ka diyan, Ruth.’’

“Salamat sa payo mo Mommy.’’

“No problem, Anak ko.’’

 

MARAMING ginagawa si Ruth sa kanyang opisina nang araw na iyon. Mula nang maging hepe siya ng departamento, lagi na lang siyang abala. Pinagkakatiwalaan siya ng manager sa mga mabibigat na bagay kaya pinagbubuti niya ang trabaho. Ayaw niyang masira sa mabait na ma­nager.

May ginagawa siya sa laptop nang pumasok ang kasamahang si Menchie. Mayroong paaaprubahan sa kanya.

Pinirmahan niya ang document ni Menchie.

Nang ibinabalik na niya ang document, nakita niya ang pagdaan ng isang lalaki sa tapat ng kuwarto. Bukas ang pinto kaya nakita niya ang lalaki. Guwapo ito.

“Sino yun, Menchie?’’

“Hindi mo kilala?’’

“Itatanong ko ba kung kilala ko?’’

“Anak ni bossing yun!”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with