^

Pang Movies

Serye ni Sunshine puro pahirap na!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaliw ako sa requests ng avid viewers ng Ika-6 Na Utos kay Direk Laurice Guillen na kung puwede raw, ang mga kontrabida naman ang pahirapan sa nasabing palabas ng Kapuso Network.

Pati ang classmate ko na taga-Ireland at mga kumare niya sa nasabing bansa ay naghihimutok sa nagpo-post sa Facebook na wish na makarating ito sa kainauukulan ng GMA 7. Umaalma sila sa mga ‘kahayupan’ at kasamaan ng magkapatid sa serye.

Ganun ka-effective ang pang-iinis ni Georgina (Ryza Cenon) na pasadung-pasado sa mahusay niyang pagsisinunga­ling sa serye. Nanggigil din ang mga fans sa pagiging impakta ni Angelika dela Cruz na gumaganap na kapatid nito. Silang dalawa ang nagpapahirap sa karakter naman na ginagampanan ng bidang si Sunshine Cruz.

Ganito rin ang panggigil ng mga manonood sa ‘Pinas na akala ko kung sino ang kinabubuwusitan na huntahan sa palengke na pinagtatalunan ang hindi mamatay-matay na si Rome Fuentabella (Gabby Concepcion).

Gustong makita ng mga affected na fans ng Ika-6 na Utos na sana raw ay pahirapan din ng director ang magkapatid na sobra na ang pasakit kay Emma (Sunshine).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with