^

PM Sports

Fuel Masters maghahabol sa Top 4

Pang-masa

MANILA, Philippines – Makahabol sa mga nangungunang teams sa pamamagitan ng pagsungkit ng ikalima nilang panalo ang puntirya ng Phoenix sa pagsalang  nila sa unang laro ngayong hapon sa PBA Governors Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Hawak ang patas na 4-4 panalo- talo kung saan okupado nila ang ikalimang puwesto sa likuran ng pumapang-apat na Meralco  na may 5-5 kartada, makakasagupa ng Fuel Masters ang cellar-dweller na Blackwater Elite sa unang laro ganap na 4:15 ng hapon.

“Slowly but surely, the team is maturing Hopefully we’re peaking at the right time,” ayon kay Phoenix coach Ariel Vanguardia matapos ang nakaraang 106-93 panalo kontra sa Star Hotshots noong Setyembre 2 .”We need one more win to be in the quarterfinals.”

Sa panig naman ng Elite, sumisinghap pa ang tsansang makahabol sa top 8, kailangan nilang mawalis lahat ng nalalabing tatlong laro at umasang malasin ang mga sinusundang teams na Alaska at Globalport na magtutuos sa huling laro sa ganap na alas-7:00 ng gabi at kasalukuyang magkasalo sa ikapitong puwesto hawak ang 3-5 panalo-talo.

Base sa format ng third conference, ang top 8 teams matapos ang single round eliminations ang uusad sa quarterfinals.

Maghihiwalay ng landas ang Alaska Aces at ang Globalport Batang Pier na kapwa nagha-hangad  na palakasin ang kanilang  tsansang makapasok sa quarterfinals.

“It was nice to get back into the win column,” pahayag ni Alaska coach Alex Compton matapos ang kanilang 107-87 panalo kontra Elite.”We’re not used to be where we are right now.”

Magsisikap ang Batang Pier na makabawi sa 120-122 kabiguan sa kamay ng Tropang Texters sa nakaraan nilang laban habang hangad naman ng Aces na dugtungan ang naiposteng panalo kontra sa Blackwater. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with