^

Pang Movies

Charo Santos nakahanap ng fountain of youth, parang 40 years old lang kahit senior citizen na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakaka-insecure ang beauty ni Charo Santos-Concio, ang bagong celebrity endorser ng isang beauty product.

Ang ganda-ganda ni Mama Charing sa mga picture na nakita ko as in parang natagpuan niya ang fountain of youth. Hindi idine-deny ni Mama Charing na senior citizen na siya pero walang maniniwala dahil parang 40 years old lamang ang dating presidente ng ABS-CBN.

Hindi nagkamali ang beauty product company na kunin na celebrity endorser si Mama Charing dahil credible ito at very effective. Ageless at timeless ang beauty ni Mama Charing.

Malalim ang dahilan Bernard Palanca ayaw nang balikan ng anak ni Erap!

Isang maramdamin na birthday message ang ipinarating ni Bernard Palanca kay Jerika Ejercito nang mag-celebrate ito ng kaarawan noong first week ng June.

Punum-puno ng pagmamahal ang birthday message ni Bernard sa ina ng kanyang anak kaya ang akala ng lahat, nagkabalikan sila.

Matagal nang hiwalay sina Jerika at Bernard. I should know dahil nakausap ko si Jerika nang kumain ako noon sa Maria Maria, ang restaurant sa Greenhills na pag-aari nila.

Therefore, mali ang haka-haka ng madlang-bayan na nagsasama sa iisang bubong si Bernard at ang anak ni Papa Joseph Estrada.

Nauungkat ang love story nina Jerika at Bernard dahil pumalag ang anak ni Papa Erap sa mga pralala ng kanyang ex-live in partner. Nag-move on na si Jerika at dahil in confidence ang aming kuwentuhan noon, hindi ko puwedeng i-share ang tunay na dahilan ng pakikipaghiwalay niya kay Bernard.

Wala raw arte at mabait Enchong love na love ng mga nakakatrabaho

Gustong-gusto ng production staff ng I Love You To Death si Enchong Dee dahil mabait at walang reklamo sa trabaho ang leading man ni Kiray Celis.

Very professional daw si Enchong kaya kasundo niya ang lahat ng kanyang kasamahan sa launching movie ni Kiray.

Dahil sa ipinakitang ugali ni Enchong, baka masundan pa ang mga project niya sa Regal Entertainment, Inc. dahil love na love ni Mother Lily ang mga artista na hindi nagbibigay ng sakit ng ulo sa set ng kanyang mga pelikula.

Kandidatang umamin na dyowa ng tibo, nakakuha ng respeto

Hindi itnatanggi ng isang official candidate ng Miss Manila 2016 na dyo­wa siya ng tomboy.

Dahil naging honest ang kandidata, nakuha niya ang respeto ng media na bumilib sa kanyang honesty.

Filipina-British ang Miss Manila aspirant kaya matangkad at mestiza siya. Ang pag-amin niya na dyowa siya ng tomboy ang dahilan kaya popular ang kandidata sa mga baklita na inggit sa kanyang apat na taon na pakikipagrelasyon sa kapwa babae.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with