^

Police Metro

Lalaki nag-’exhibition’ sa kampo ng pulis

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa loob ng library ng Camp Karingal nagsagawa ng exhibition ang isang lalaki na kung saan ay ipinakita nito ang ari sa isang babaeng librarian sa naturang kampo sa Quezon City.

Nabatid na nakapuslit at nakapasok ang suspek na si  Esteve Mortega, 27 sa library sa loob ng Camp Karingal kahapon ng umaga matapos magpanggap na hihingi ng tubig.

Matapos nito, dumiretso si Mortega sa hilera ng mga libro kung saan kumuha ito ng isa at inilaglag sa sahig.

Nang dadamputin ito ng staff ng library na itinago sa pangalang Marie, 40, nagulat na lang ito  nang mapuna na nakababa na ang pants ng lalaki at ipinapakita ang kanyang ari. 

Agad na humingi ng tulong ang ginang sa otoridad at inaresto ang suspek na mahaharap sa kasong  unjust vexation.

vuukle comment

CAMP KARINGAL

ESTEVE MORTEGA

LIBRARY

MATAPOS

MORTEGA

NABATID

NANG

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with