^

Pang Movies

Paulo, umayuda kay Kim

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Paulo, umayuda kay Kim
KimPau

Kim, hindi pinagbigyan ang hiling ng ama?! Lakambini, hindi na raw nakakatulog

Walang binanggit na pangalan si Paulo Avelino, ­pero pinasalamatan kaagad siya ng fans nila ni Kim Chiu sa kanyang post tungkol sa ‘amount stolen.’

Post nga niya sa Twitter:

“I don’t think people understand the value of the “amount” stolen.

“Think about what you would do with that money.

“Bibili ka ng bahay?

“Medical Bills?

“School?

“Magsisimula ka ng bagong buhay?

“That amount can build the life you’ve always dreamed of.

“Now imagine someone took the life you’re supposed to be living in.

“Sa company palang yan. Pano pa kaya sa.....?,” buong post ng actor na diumano’y karelasyon ni Kim.

Pero may mga sumasagot din naman na kampi sa kapatid ni Kim na si Lakambini.

Ang yaman na raw ni “Chinita Princess.” Sabi nito diumano’y nasa humigit-kumulang P300 milyon ang net worth ni Kim ngayong 2026.

Kaya ‘yung P40 milyon, kayang bawiin at may matitira pa naman diumano. Say pa ng nasabing netizen, sana ay pinag-usapan na lang nila ‘yan nang pribado, “kasi dito sa Pilipinas, siguradong pagpipiyestahan ‘yan ng mga tao, ‘di ba? May hashtag siya na #IStandwithLakamChiu.”

Samantala, trending kaagad si Kim kahapon. Dumating nga ang aktres/TV host sa Quezon City Hall of Justice para sa arraignment ng kanyang kapatid na kinasuhan niya ng 124 counts of qualified theft na sumailalim sa isang medical procedure last Wednesday, Sept. 23.

Nag-plead ito ng not guilty sa kaso na diumano’y maling paggamit ng P44.4 million sa House of Little Bunny Philippines, Inc., sa pagitan ng huling bahagi ng 2022 at kalagitnaan ng 2025.

Dumating si Kim kasama sina Direk Lauren Dyogi, head ng Star Magic, at ilan pang mga kasamahan sa Star Magic para sa ginanap na arraignment noong Huwebes, matapos maaresto si Lakambini sa Mandaluyong City last weekend.

Nagpakita naman ng matinding suporta ang followers ni Kim online; pinasalamatan nila si Direk Lauren na tumatayong parang ama at nagpaabot ang fans ng actress/TV host ng mga panalangin sa gitna ng tensyon sa pamilya.

Inilarawan ito ni Kim bilang isang mahirap ngunit kinakailangang hakbang para tugunan ang financial issues ng kumpanya, habang iginigiit naman ng panig ng kanyang kapatid na authorized ang mga nasabing transaction na pinagbasehan ng mga ikinaso sa kanya.

Kasabay nito ay naglabas si Kim ng official statement kahapon.

Nakasaad dito na: “I do not know where to start po. Sobrang nasasaktan po ako. People may have different opinions with my decision, and I understand that.

“There are things I cannot talk about because there is an ongoing legal process. This was never about my personal money.

 “This is about a business which started in 2023, built with years of hard work, sacrifices, and dreams. A business I poured my heart into, hoping it would become my future when the time comes for me to step away from show business.

“What my legal team and I have filed covers ONLY the period from January to July of 2025. There is so much more to this story that I am choosing not to disclose publicly.

“This is a business I worked so hard to build, and I believe that going through this legal process should never take away the company’s right to stand up for what is right, protect what the company have worked for, and seek accountability through the proper legal process.

“There is so much I am choosing not to say right now. Not because I do not have a story to tell, but because there is a proper time and place for the truth. For now, I trust and let the legal process take its course.”  

Anyway, nauna nang nag-apply ang legal team ni Lakam para sa isang surety bond na nagkakahalaga ng P5.6 milyon – ang halagang itinakda ng korte matapos babaan ang naunang piyansa na P5.9 million.

Samantala, madalas daw nakikitang dinadalaw ng kanilang ama si Lakambini.

Ayon naman sa narinig kong kuwento, naunang pinuntahan diumano ng ama si Kim at nakiusap daw ayusin na lang nila ang mga nangyari.

Pero hindi diumano pumayag si Kim, seryoso raw ito sa kanyang demanda sa kapatid.

Gusto raw nitong magbayad ito sa nawalang pera sa kanilang kumpanya kung saan may mga investor daw.

Pinagpapasa-Diyos na lang daw ‘yun ng kampo ni Lakambini.

Sinasabi raw ni Lakambini na hindi na niya alam ang gagawin dahil durog na durog na siya.

Hindi na rin daw ito nakakatulog at sana raw ay sa ibang paraan na lang siya pinarusahan ni Kim.

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with