Albay ‘poor visibility’ sa haze
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Noong una inakala ng mga residente ng Legazpi City at ilang bayan sa Albay na makapal na hamog lamang ang bumalot sa malaking bahagi ng lalawigan na naobserbahan simula madaling araw kahapon at magtatanghali nang malaman ng karamihan na ito ay haze o bahagi ng makapal na usok na hinihinalang umabot sa bansa dahil sa malawakang wildfire sa West Kalimantan, Indonesia.
Halos naging “poor vissibility” ang ilang lugar at kahit ang bulkang Mayon at matataas na bundok ng mga bayan ng Manito, Sto. Domingo, Bacacay at Rapu-rapu ang hindi maaninag.
Mataas na ang sinag ng araw ng umaga kahapon pero nagkulay pula ito dahil sa haze. Ilang residente naman ang nakapansin na may kaunting amoy na nasusunog ang nalalanghap nilang hangin.
Agad nagpalabas ng mga tauhan ang DENR-Environmental Management Bureau upang imonitor ang kalidad ng hangin sa lalawigan.
Pinayuhan ang mga residente na manatiling mag-antabay sa mga abiso ng kaukulang mga ahensya ng gobyerno lalo na sa air quality.
- Latest






















