^

PM Sports

Back-to-back wins ng Blazers

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumiretso ang College of Saint Benilde sa pangalawang dikit na ratsada matapos pabagsakin ang Lyceum of the Philippines University, 98-82, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Sinolo ng Blazers ang liderato sa Group A bitbit ang 2-0 kartada kasama ang naunang 77-68 pagdaig sa nagdedepensang San Beda Red Lions.

Kumolekta si Matthew Jucom ng 17 points at anim na rebounds para banderahan ang Season 100 champions.

Matapos agawin ng Lyceum ang 48-47 abante sa dulo ng second period ay isang 10-2 atake ang ginawa ng St. Benilde para isara ang first half tangan ang 57-50 bentahe.

Pinalobo pa ito ng Bla­zers sa 74-59 mula sa salaksak ni Jucom sa huling 2:33 minuto ng third quarter.

Sinubukan ng Pirates na unti-unting tapyasin ang nasabing 15-point deficit sa final canto.

Ngunit hindi bumitaw ang St. Benilde at inilista ang 92-76 kalamangan galing sa drive ni Justine Sanchez sa huling 3:21 minuto ng laro.

Sa unang laro, humakot si Gelo Gelsano ng 17 points at 10 rebounds para pamunuan ang University of Perpetual Help System DALTA sa 83-72 pagsuwag sa Emilio Aguinaldo College

Bumangon ang Altas mula sa naunang 77-84 pagkatalo sa Letran Knights para ilista ang 1-1 baraha sa Group B.

Nagdagdag si LA Casinillo ng 16 points para sa Perpetual na nakahugot ng tig-15 kina Mark Gojo Cruz, JM Tulabut at Rey Maglupay, ayon sa pagka­kasunod.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with