2 bus driver na nakapatay sa lady journalist hinatulang guilty
MANILA, Philippines — Hinatulan ng Quezon City RTC na guilty ang dalawang bus driver na nakapatay sa beteranong mamamahayag na si Chit Estella-Simbulan.
Labing tatlong taon ang naging legal battle bago nakamit ng pamilya ang hustisya nang mapatunatayang guilty
ang dalawang drayber ng bus na sina Daniel Espinosa at Victor Ancheta sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property with homicide ng dalawang taon, apat na buwan at isang araw.
Dahil walang kakayahang magbayad ng danyos ang dalawang akusado, inatasan ng korte ang may-ari ng bus companies na magbayad ng P7.46 milyon at attorney’s fees sa asawa ni Estella na si retired University of the Philippines (UP) professor Roland Simbulan.
Nasawi si Estella-Simbulan noong May 13, 2011 habang binabagtas nito ang Commonwealth Avenue, Quezon City patungo ng UP Ayala Technohub.
Dahil sa mabilis na pagmamameho ni Ancheta ng bus ay bumangga ito sa taxi na sinasakyan ni Estella-Simbulan.
Mabilis itong pumihit patungo sa bus na minamaneho ni Espinosa at saka tumama sa likuran na bahagi ng bus.
Sinabi ng korte na hindi mangyayari ang salpukan kung naging maingat sa pagmamameho ang dalawang bus driver.
- Latest