Cai, hinihintay ng LTO

Iniimbestigahan ng Land Transportation Office (LTO) si Cai Cortez matapos mag-viral ang video na nagpapakita na sumasayaw at nagre-record ng sarili habang nagmamaneho nang walang seatbelt.
Hindi pinangalanan ng ahensya ang aktres pero mismong si Cai na ang nag-post tungkol dito.
Ayon sa LTO, napansin ang insidente matapos mag-upload sa mismong Facebook page ng actress-politician ang video kung saan makikitang nagre-record siya habang nagmamaneho.
Isang kamay lang ang nasa manibela habang sumasayaw siya at nakatingin sa camera imbes na sa kalsada. Napansin din na hindi siya naka-seatbelt.
Dahil dito, iniutos ni LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang agarang pag-isyu ng show cause order sa pamamagitan ng Intelligence and Investigation Division (IID) upang simulan ang imbestigasyon.
Pinapapunta ang actress-politician sa IID sa LTO Central Office sa November 23, 2026, para magsumite ng sworn statement, paliwanag, at supporting documents kaugnay ng umano’y paglabag sa reckless driving, distracted driving, at Mandatory Use of Seatbelt Law.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10913 o Anti-Distracted Driving Act, bawal gumamit ng mobile at electronic devices habang nagmamaneho.
Samantala, inaatasan ng Republic Act No. 8750 o Seat Belts Use Act of 1999 ang driver at front-seat passengers na magsuot ng seatbelt habang umaandar ang sasakyan.
Thea, nag-prenup pictorial sa Japan
Busy ngayon sa paghahanda para sa kasal ang bride-to-be at Kapuso actress na si Thea Tolentino.
Bumiyahe patungong Japan si Thea kasama ang non-showbiz partner niyang si Martin Joshua San Miguel para sa kanilang prenup shoot at para na rin magbakasyon.
Sa latest Instagram post ni Thea, ibinahagi niya ang kanilang prenup photos, kung saan kapansin-pansin na blooming na blooming ang aktres bilang bride-to-be. “To more laughter, little adventures, trips na walang away (or at least konti lang ), and a lifetime of memories with you @_martinjoshua,” caption ni Thea.
Suot ang kanyang yellow dress, mas lalong lumutang ang natural beauty ni Thea.
Tyra, single na ulit
Kinumpirma ni Tyra Banks sa TMZ na after seven years ay single na siya ngayon.
Ayon sa former supermodel, “I am dating. It’s nice to be single. It’s been awhile. I think that it’s never too late to start again. I’m 52 years old, and I’m single, and I kind of was over it. I’m like, I’ve got my mom, I’ve got my son, and I’m good. I didn’t even have, like, a drive.”
Hindi pa malinaw kung kailan sila naghiwalay ng boyfriend niyang si Louis Bélanger-Martin, isang Canadian businessman. Una silang na-link noong 2019.
Noong 2020, nagkaroon pa ng engagement rumors nang mamataan si Tyra na may suot na diamond ring.
In 2024, ibinahagi pa ni Tyra kung paano siya tinulungan ni Louis sa kanyang self-confidence sa negosyo. Naging chief financial officer si Louie sa ice cream brand niya na SMiZE & Dream.
- Latest



















