Code White alert itinaas ng DOH para sa Undas
MANILA, Philippines — Naka-Code White alert na ang Department of Health (DOH) para sa Undas.
Sa abiso ng DOH, ang Code White alert ay nakataas mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2026 bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero at mga bibisita sa mga sementeryo ngayong Undas.
Sa ilalim ng Code White Alert, paiigtingin ng DOH ang pagmo-monitor sa mga posibleng health emergencies.
Palalakasin din umano nila ang pakikipag-ugnayan sa DOH regional offices, ospital, at iba pang katuwang na ahensiya.
Layunin nitong matiyak ang maagap na koordinasyon at pagtugon sa mga aksidente, pinsala, at iba pang insidenteng kaugnay ng Undas.
- Latest























