^

PM Sports

Blue Eagles balik sa porma

Elech Dawa - Pang-masa
Blue Eagles balik sa porma
In this photo taken on June 17, 2026 shows the Ateneo Blue Eagle Gym at the Ateneo de Manila University in Quezon City.
Philstar.com / Rosette Adel

MANILA, Philippines —  Balik sa porma ang A­teneo de Manila University matapos nilang dagitin ang 73-68 panalo kontra Adamson University sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa MOA Arena sa Pasay City kahapon.

Napigilan ng Ateneo ang bawat subok ng A­damson na humabol at magtuloy-tuloy ng ratsada sa huling quarter upang makuha ang panalo at iak­yat ang kanilang kartada sa 2-1 para sa solo ikalawang puwesto sa team standings.

Pinuri naman ni Ateneo interim coach Louie Alas ang kanyang mga bataan dahil sa ipinakita nilang tikas sa oras na naghahabol sila nang malamangan ang mga ito ng Adamson.

“Every team here is capable of beating the other team so we have to go to the game well-prepared especially against Adamson, a well-coached team,” sabi ni Alas.

Sa natitirang 4:16 sa laro at habang naiiwan sa iskor na 52-65, nagpa­kawala ang Adamson ng 9-2 run sa pamumuno nina Mat Edding, Precious Jonah, at Ray Allen Torres upang maibaba sa anim na puntos ang hinahabol, 61-67, may 1:40 na lang ang natitira sa oras.

Nanatiling naka-pokus ang Blue Eagles, ilang beses nagbalak dumikit ang Falcons subalit kalmado sa free throw line si team captain Jared Bahay kaya naitakas ang importanteng panalo.

Sa unang laro, nire­histro ng Far Eastern University ang unang panalo matapos suwagin ang University of the East, 93-70.

Nilista ng FEU ang 1-1, habang wala pang panalo ang UE sa tatlong laro.

Matapos ang pag-alis ng kanilang mentor na si Chris Gavina, umasa ang UE na mababago ang takbo ng kanilang koponan sa pamumuno ni Hubalde.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with