^

Metro

P159 million floating cocaine nalambat sa Cagayan

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
P159 million floating cocaine nalambat sa Cagayan
The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) logo
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umaabot sa P159 mil­yong halaga ng pinaghihinalaang cocaine ang nadiskubre at nalambat ng apat na mangingisda sa karagatan ng Aparri, Cagayan nitong Sabado, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 2 Director Gil Cesario Castro, ang mga narekober na illegal na droga ay nakasilid sa 26 rectangular packs na
selyado sa transparent vacuum packaging.

Ang pinaghihinala­ang cocaine packages ay tumitimbang ng 30.15 kilo na isinuko sa kanilang tanggapan, alas-10:30 ng umaga.

Base sa report, kasalukuyang nama­malakaya sa karagatan ng Aparri ang apat na mangingisda nang mabulaga sa mga nakalutang na rectangular packs kaya agad nila itong kinuha at isinakay sa kanilang mga bangka.

Agad namang naki­pag-ugnayan sa mga awtoridad ang apat na mangingisda, pawang ng Brgy. Sanja, Aparri at isinuko sa PDEA Regional Office 2 ang nasabing nadiskubreng droga.

Kaugnay nito, iniimbestigahan na ng PDEA ang posibleng koneksyon ng international drug trafficking syndicate sa nakuhang 30.15 kilong cocaine sa karagatan ng Aparri, Cagayan.

Sinabi ni Castro na patuloy nilang inaalam ang pinagmulan ng droga, kung saan ito patungo bago natag­puang palutang-lutang sa karagatan at kung may koneksyon ito sa isang international drug network.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with