^

Police Metro

DOH: 364 hubs itinayo kontra HIV at STI

Ludy Bermudo - Pang-masa
DOH: 364 hubs itinayo kontra HIV at STI
Ayon sa kagawaran, ang 364 pasilidad na binubuo ng 203 HIV treatment hubs at 161 primary HIV care facilities ang maaaring puntahan ng publiko.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na mayroon nang 364 DOH-designated HIV Treatment Hubs at Primary HIV Care Facilities sa buong Pilipinas na nagbibigay ng libre at kumpidensyal na serbisyo para labanan ang HIV at iba pang sexually transmitted infections (STIs).

Ayon sa kagawaran, ang 364 pasilidad na binubuo ng 203 HIV treatment hubs at 161 primary HIV care facilities ang maaaring puntahan ng publiko.

Para sa libreng tes­ting at iba pang serbisyo, bumisita sa pinakamalapit na DOH Social Hygiene Clinic, HIV Care Faci­lity, o sa inyong YAKAP Clinic:https://bit.ly/DOH-HIV-Care-Faci­lities.

Sa nasabing link, makikita ang pangalan ng pasilidad, serbisyong ­inaalok, lugar o kung saan matatagpuan at contact person at numbers, sa lahat ng rehiyon sa bansa. Libre ang HIV testing, antiretroviral therapy, at may PhilHealth outpatient HIV-AIDS treatment packages.

Batay sa inulat ng DOH noong Hulyo 2026,  nasa 4,633 bagong HIV cases ang naitala simula Enero hanggang Marso ng 2026, na may average 51 kaso sa kada araw.

Sa nasabing datos, ang edad na 25-34 ay 46%, 15-24 ang 31%, at 35-49 ang 18%, habang ang 50 pataas ang nasa 3%. 4,381  o 95% ang lalaki habang 5% o 252 ang babae.

Pinakamataas na bilang ay nagmula sa National Capital Region (NCR) na sinundan ng Calabarzon, ikatlo ang Central Luzon, ikaapat ang Soccsksargen, at huli ang Davao Region.

Sa pagtaya ng DOH, nasa 288,000 Pilipino ang namumuhay kahit may tag­lay na HIV, ngunit nasa 56% lang ang na-diagnose.

DEPARTMENT OF HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with