Andres, nililihim pa ang susunod na gagawin

MANILA, Philippines — Ngumingiti lang si Andres Muhlach nang tanungin namin kung ano ang susunod niyang gagawin pagkatapos ng successful na musical play niyang Bagets The Musical. “I can’t answer that right now,” napapangiti niyang pakli.
Sinabi pa naming nami-miss na siya ng fans niya. “I miss them very much as well. Pero as for right now, no share muna,” matipid niyang sagot.
Tinanong siya uli kung ano na lang ang maipa-promise niya sa supporters nito. “Wala akong maipa-promise talaga. Basta. Abangan n’yo na lang,” tugon ni Andres.
Napapansin naming humahaba ang buhok niya, na baka sa next project niya ito. “Ahh ‘yung long hair ko? Hindi ko nga alam e. Bagay ba?” sabi lang ng guwapong binata nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
May naririnig kaming may binubuong magandang project ang Viva at The Philippine STAR para kay Andres. Pero wala pa silang sinasabi kung ano ito.
Posibleng isang pelikula, dahil pinasok na rin talaga ng PhilStar ang movies.
Samantala, masaya si Andres para sa kapatid niyang si Atasha, dahil sa magandang performance nito sa Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical.
Ani Andres, “Ako, I’m just very proud for my sister talaga kasi nakita ko ‘yung pinagdaanan niya sa work and how she really gave her effort talaga to her performance and to do the job. So, I’m very proud of everything she’s done talaga and she’s really great honestly talaga, ‘di ba? Agree naman kayo na she’s really super good.”
Ruru, napagkamalang walang pambayad sa steak sa Spain!
Nakaranas ng discrimination si Ruru Madrid sa Spain kahit tunog Espanyol pa ang apelyido niya.
Nangyari raw ito sa isang restaurant sa Salamanca, Spain.
Kuwento ng Kapuso actor; “Kumakain ako sa isang restaurant. Nag-order ako ng steak. Kasi nag-search ako, ano ba ‘yung pinakamasarap na restaurant dito? Gusto kong ma-experience. Mag-isa ako doon. Meron naman akong… kumbaga, nakapag-ipon ako ng pera para meron akong pambili.
“So naghanap ako ng medyo mahal at masarap na steak. Nung sinerve sa akin ‘yung pagkain, ibinato sa harapan ko!
“So, nung naramdaman ko ‘yun… siguro kung ‘yung dating version ng Ruru, papalampasin ko na lang ‘yun, e. Kasi matatakot ako na wala ako sa bansa natin. Baka kung ano ang gawin sa akin.
“E, anlaki! Mga 6’5” na Español… So, pagbato niya, may mag-asawa dito na French, napatingin sila sa akin. Tapos parang ako, nung tumingin sila sa akin, doon ko naramdaman na, ‘Hindi ko dapat hayaang ganunin ako.’ Kasi, pagbato niya, tinalikuran ako, e!
“So wala na akong nagawa. Ginawa ko, tinawag ko ‘yung manager. Nag-Google translate ako, na itong tao mo, ito iyong ipinaranas sa akin. ‘I’m a paying customer. Dapat hindi.’
Nag-shoot ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang Los Salvajes Bravos sa Spain si Ruru at bilang isang historical film ay uungkatin nila ang pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa. Kaya ang sabi pa niya, “So, nung lumapit sa akin, nag-sorry siya, nagbigay siya ng cake. “Sinabi ko talaga sa kanya na parang, ‘Sinakop n’yo na kami noon, e! At noong panahon na iyon, wala kaming laban sa inyo. Pero ngayon na may kakayanan na akong magbayad at bumili ng sarili kong pagkain, at ako ay customer, wala ka nang karapatan na gawin ito sa akin ngayon.’
“So simula po noon, tumatak sa akin na hindi ako dapat magpapaapi o magpapababa sa kahit na sino sa mundong ito.
“So, hanggang ngayon, nararanasan po natin ang diskriminasyon, ang hindi pantay na pagtingin sa atin,” sambit ni Ruru, na gumanap bilang Igorot na si Purganan.
- Latest






















