^

PM Sports

Stojsavljevic iniligpit ni Eala papasok sa round of 16

Russell Cadayona - Pang-masa
Stojsavljevic iniligpit ni Eala papasok sa round of 16
Si Alex Eala sa service line laban kay British wildcard Mika Stojsavljevic.

MANILA, Philippines — Hindi minaliit ni World No. 20 Alex Eala ang kakayahan ni No. 308 Mika Stojsavljevic matapos hatawin ang 6-1, 6-2 panalo sa kanilang Round of 32 match sa Toray Pan Pacific Open kahapon sa Tokyo, Japan.

Tinapos ng 21-anyos na si Eala ang kanilang Round of 32 match ng 17-anyos na si Stojsavlje­vic sa loob ng isang oras at 15 minuto.

“I think it was super im­­portant today to be fo­cused for every point, try to keep the intensity of the game,” sabi ni Eala kay Stoj­savljevic.

“Playing against Mika for the first time was a great experience and I’m sure we will meet many, many more times. I think she has a really good level and I’ll see her many more times on tour,” dagdag ng Pinay tennis ace sa British wildcard.

Sina Eala at Stojsavlje­vic ay parehong US Open girls champions.

Pinalo ni Eala ang 5-0 abante sa first set bago nakasingit si Stojsavljevic sa sixth game.

Tinapos ni Eala ang first set sa 6-1 na kanyang itinuloy sa se­cond set sa paghataw ng 3-1 abante.

Muling nakahirit ang Brit­ish netter sa 2-3 hanggang angkinin ni Eala ang su­munod na tatlong laro para kumpletuhin ang kanyang straight-set win.

Lalabanan ni Eala sa Round of 16 si No. 38 Ta­lia Gibson ng Australia na sumibak sa kanyang ka­babayang si No. 74 Da­ria Kasatkina, 6-0, 7-5.

Inaasahang muling ibibigay ni Eala ang lahat para makasampa sa quarterfinals.

Nauna nang napatalsik si Eala sa Round of 16 ng Ningbo Open sa China ma­tapos ang 5-7, 4-6 kabiguan kay Russian Diana Shnaider.

Minalas din si Eala sa kanyang mga kampanya sa Singapore Open at Wuhan Open.

Samantala, hindi na lalaro sina Eala at Fil-American Desirae Krawcyzk sa doubles tournament para tutukan ang kampanya sa singles event.

Haharapin sana nina Eala at Krawcyzk sina Chan Hao-Ching ng Chinese Taipei at Miyu Kato ng Japan sa Round of 32 match.

Sina Yulia Putintseva ng Kazakhstan at Liudmila Samsonova ng Russia ang papalit sa kanila.

 

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with