^

Metro

2 suspek nanloob sa warehouse nadakip; 7 tinutugis pa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinutunton na ng mga awtoridad ang pito sa siyam na suspek sa pagnanakaw ng tinatayang P16 milyong halaga ng cash, alahas, mamahaling cellphones, at iba pang mamahaling gamit, sa Muntinlupa City, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa ulat, sa tuluy-tuloy na intelligence operations at CCTV tracking, dalawa na ang naaresto at nasampahan ng reklamo habang may lead na rin para matunton ang pito pang suspek na sangkot sa panloloob sa Eonni Kat Boutique Warehouse sa Brgy. Putatan, Muntinlupa City na tinangayan ng kabuuang P16,099,750.00 noong alas-3:00 ng madaling araw ng Oktubre 1.

Tumakas ang mga suspek sakay ng Toyota Avanza at Mitsubishi Xpander.

Naaresto ang 35-anyos na suspek, natunton naman ang dalawang getaway vehicles sa Tanay, Rizal at nabawi sa San Pedro, Laguna ang mga ninakaw na iPhones, iPod, at tactical handheld radios.

Noong Oktubre 3, natunton sa Pampanga ang ikalawang suspek na boluntaryong sumama pabalik ng Muntinlupa na positibong kinilala sa lineup.

Lima pa sa mga tinutugis ang nakilala na habang dalawa ang hindi pa tukoy.

Base sa CCTV, lumipat ang grupo mula sa Avanza at Xpander patungong dalawang Toyota Fortuner sa Angono, Rizal ilang oras matapos ang krimen. Natunton na ng mga imbestigador ang may-ari ng isa sa mga Fortuner na magbibigay ng bagong lead sa manhunt.

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with