Aktres na buntis, ayaw magpangarag sa netizens
Sa December na manganganak ang isang aktres na preggy na pero hindi pa umaaming nagdadalangtao na.
Hindi naman daw itinatago pero may mga sign na kailangan lang daw nilang mag-ingat at ‘wag nang maging big deal sa social media.
Sabagay ‘pag nabuking ito sa social media, baka magkaproblema pa ang actress at mister niya.
Tiyak aaligagain sila ng mga netizen.
TV5, Pinalinaw
Mas malakas na ang reception ng TV5, RPTV at One Sports.
Bahagi umano ito ng patuloy na pagsisikap ng TV5 na mas maraming Pilipino ang maka-enjoy sa kanilang paboritong entertainment shows, balita at sports coverage sa free TV.
Kaya may paalala ang TV5 sa mga gumagamit ng digital TV antenna o DTT set-top box: rescan na!
Sa simpleng pag-rescan daw ng inyong digital TV o set-top box, maaaring masagap ng mga manonood ang mas pinalakas na signal ng tatlong channel.
Hindi naman kailangang mag-rescan ang mga nanonood gamit ang Cignal o iba pang pay TV services.
Patuloy ang TV5 sa pagpapalawak at pagpapaganda ng serbisyo nito para mas maraming tahanang Pilipino ang maabot.
- Latest




















