DepEd hinigpitan parusa sa bullying

MANILA, Philippines — Mas pinalawak pa ng Department of Education (DepEd) ang kanilang kampanya laban sa karahasan sa mga paaralan at binalaan ang mga estudyanteng mapapatunayang nambu-bully na isasailalim sa exclusion o tatanggalin sa mga paaralan.
Sa ilalim ng bagong DepEd Order No. 006, s. 2026 o Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE), kabilang sa mga parusang maaaring ipataw sa mga mag-aaral na mapapatunayang guilty sa mga naturang paglabag ay non-readmission, agarang exclusion, at mandatory referral sa law enforcement o social welfare authorities, para sa mga mag-aaral na mapapatunayang gagawa ng matinding paglabag.
Ang first-level (minor infractions) ay maaring mauwi sa written reprimand, parental notification, at guidance counseling.
Ang second-level (serious offenses) o paulit-ulit na bullying, online harassment na may parusang suspensiyon hanggang 5 araw, DSWD referral, non-readmission sa ikalawang paglabag.
Habang ang third-level (high-risk acts) o severe physical harm, bomb threats, dangerous hoaxes ay non-readmission sa unang paglabag, permanent exclusion sa ikalawa, turnover sa awtoridad.
Ayon sa DepEd, sakaling makakita ng palatandaan ng bullying, maaari na itong direktang resolbahin ng mga guro habang ang second-level ay maaari nang makialam ang Learner Formation Officer at magbigay ng rekomendasyon sa school head. Ang school head ang responsable sa third-level offenses at pagpapatupad ng kaukulang sanction.
- Latest

















