Pilandok palabas na; LPA nagbabanta sa Northern Luzon

MANILA, Philippines — Bagaman lumakas at naging isang tropical storm ang bagyong Pilandok (international name Krovanh), inaasahang lalabas na rin ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Miyerkules ng gabi, Setyembre 2, o sa Huwebes ng umaga, Setyembre 3.
Hindi ito magla-landfall sa alinmang bahagi ng bansa at mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas.
Bagama’t walang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal, pinalalakas ni Pilandok ang southwest monsoon o Habagat.
Ang Metro Manila at Northern Luzon ay makakaranas din ng mga pag-ulan dulot ng Habagat.
Bukod kay Pilandok, isang Low Pressure Area (LPA) ang patuloy na mino-monitor ng PAGASA sa labas ng PAR na nagbabanta sa Extreme Northern Luzon.
May medium chance itong maging tropical depression sa loob ng 24 oras. Huli itong namataan sa layong 2,975 km silangan ng Southeastern Luzon.
Patuloy ring sinusubaybayan ang Bagyong Saudel (local name Obet) na nasa labas na ng PAR ngunit may epekto pa rin sa bansa sa pamamagitan ng Habagat.
- Latest

























