^

Dr. Love

Worried na mawala ang bonding sa anak

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang po akong Glenn. Lumalapit po ako sa inyo dahil sa mabigat na nagpapagulo sa aking isip bilang isang magulang.

Pareho po kaming nagtatrabaho ng misis ko para sa pang-araw-araw na gastusin at sa kinabukasan ng aming dalawang taong gulang na anak. Dahil sa haba ng oras sa trabaho at hirap sa biyahe, napipilitan po kaming iwan ang aming anak sa aking mga magulang araw-araw.

Bagaman malaki ang aming pasasalamat dahil ligtas siya at nakakatipid kami, labis po akong nag-aalala. Nakikita kong napapagod na ang aking mga magulang dahil nagkakaedad na sila. Natatakot din ako na baka malayo ang loob ng aming anak sa amin at mas kila-
lanin niyang magulang ang kanyang lolo at lola.

Hindi pa po kasya sa budget namin ang mag-hire ng kasambahay o baby sitter. Paano po ba namin mapapagaan ang pakiramdam ng aming mga magulang habang nagtatrabaho kami? At paano po masisigurong hindi mababawasan ang bonding namin sa aming anak?

Glenn

Dear Glenn,

Unang-una, huwag kang mag-alala. Ang nararamdaman mong pag-aalala ay patunay lamang kung gaano mo kamahal ang iyong pamilya. Ang payo ko, sulitin mo ang umaga at gabi. Bagaman nasa lolo at lola siya sa tanghali, tiyakin mo na kayo ang mag-aasikaso sa kanya bago umalis sa umaga at bago matulog sa gabi. Ang mga simpleng routine na ito ang nagpapanatili ng inyong koneksyon.

Pagsikapan ninyo na ibuhos ang atensiyon sa inyong anak tuwing rest days.Tuwing araw ng pahinga, ibigay ang 100% na atensyon sa bata sa pamamagitan ng pakikipaglaro at pag-aalaga para maramdaman niya ang inyong pagmamahal. Huwag kayo matakot sa koneksyon sa lolo at lola niya. Dahil iba ang puwesto ng magulang sa puso ng anak. Huwag ituring na kumpetisyon ang pagmamahal ng bata sa kanyang lolo at lola.

Huwag n’yo rin kalimutan na pagsikapan na bigyan ng pahinga ang inyong mga magulang. Pagdating ng weekend, tiyakin ninyo na buong-araw ay kayo na ang mag-aalaga sa bata para makapagpahinga ang iyong mga magulang.

Malaking bagay kung maihahanda na ang mga gamit ng inyong anak bago kayo umalis. Bawasan ang kanilang abala sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain at gagamitin ng bata bago kayo pumasok sa trabaho. Mahalaga rin na iparating sa tuwina ang pasasalamat sa inyong mga magulang sa pamamagitan ng simpleng pagpapakita ng utang na loob, pagpuno sa pangangailangan sa bahay, o pag-uwi ng paborito nilang pagkain ay malaking tulong na para maibsan ang kanilang pagod. Mag-usap din kayong mag-asawa para sa inyong pang matagalang plano kapag lumakilaki na ang bata o kapag lumuwag na ang inyong budget. Kaya nyo ‘yan!

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with