^

PSN Palaro

Gilas Women tututok sa 2026 Asian Games

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gilas Women tututok sa 2026 Asian Games
Lumiyad si Kacey Dela Rosa ng Gilas Pilipinas Women para sa kanyang layup laban sa Senegal defender. (
(fiba.com)

MANILA, Philippines — Isinara ng Gilas Pilipinas Women ang kanilang kampanya sa 2026 FIBA Wo­men’s Olympic Pre-Qualifying Tournament sa pa­mamagitan ng 79-75 pa­nalo sa Senegal kaha­pon sa Arena Astros sa Gua­dalajara, Mexico.

Tumapos ang mga Pi­nay cagers na may 1-2 re­­cord sa Group B at na­bi­gong makapasok sa knockout stage.

Bago lusutan ng  World No. 30 Gilas Women ang No. 22 Senegal ay natalo muna ang tropa ni Canadian head coach Burke Toews sa No. 31 Mexico, 58-61, at sa No. 7 Canada, 38-85.

Matapos ang Olympic qualifiers ay tututukan ng Na­tionals ang pagsabak sa parating na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

“That’s another chance for us to learn; that’s ano­ther chance for us to compete,” sabi ni Toews. “But we want to win more than anything else.”

Kasama ng Gilas Wo­men sa Group B ang Ja­pan, Hong Kong at Kaz­akhs­tan.

Unang makakatapat ng Gilas Women ang Kazakhstan sa Setyembre 17 kasunod ang Hong Kong sa Setyembre 20 at ang Ja­pan sa Setyembre 22.

Wala pang naipapanalong medalya ang mga Pi­nay dribblers sa Asiad.

Nasa Group A ang nag­­­dedepensang China, In­donesia at Thailand, habang ang South Korea, Chi­nese-Taipei, Mongolia at Malaysia ang bumubuo sa Group C.

Ito ang unang Asiad ap­pearance ng mga Pinay matapos noong 1998.

Inaasahang dadal­hin ng Nationals ang kanilang naging eks­­peryensa sa Olympic qua­lifiers sa pagsabak sa Aichi-Nagoya Asiad na na­katakda sa Set­yembre 19 hanggang Oktubre 4.

Laban sa Senegal ay nag­­tayo ang Gilas Women ng isang 11-point lead bago ito napababa sa dalawang puntos.

Ang krusyal na three-point shot ni Kacey Dela Rosa ang sumelyo sa pa­nalo ng Nationals laban sa mga Senegalese.

“Fighting is not enough at this level; your brain has to follow,” ani Toews. “We’re still waiting for the execution to get better and fewer hiccups in a game.”

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with