^

Bansa

Metro Manila, Luzon signal no. 1 kay ‘Aghon’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila, Luzon signal no. 1 kay �Aghon�
Pedestrians use umbrellas and other items to shield themselves from the sudden downpour in Quezon City on May 25, 2024.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Itinaas sa Signal No. 1 ang Metro Manila at mga lugar sa Luzon habang inalis na ang mga storm signal sa Visayas at Mindanao areas habang nagdadala ng mga pag-ulan ang bagyong Aghon.

Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng bagyo ay namataan ng PAGASA sa may karagatan ng Sibuyan Island at kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras. Taglay ni Aghon ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras at pagbugso ng hanggang 70 kilometro bawat oras.

Dulot nito, nakataas ang signal number 1 sa Metro Manila,  eastern portion ng Quirino, eastern portion ng  Nueva Vizcaya, Bulacan, eastern portion ng Nueva Ecija, eastern portion ng Pampanga, Aurora, Quezon kasama ang Pollilo Islands, eastern portion ng Cavite, Laguna, Rizal, eastern portion ng Batangas, Marinduque, northeastern portion ng Oriental Mindoro, eastern portion ng Occidental Mindoro, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, northern portion ng Masbate kasama na ang Burias at Ticao Islands.

Inasahang mag-landfall si Aghon sa Marinduqe at muling magla-landfall sa Batangas o Quezon at tatawid sa CALABARZON area. Posible ang muling paglakas ng bagyo at inaasahang maaabot ni Aghon ang tropical storm category ngayong Linggo.

Sa oras na ang bagyo ay makarating ng Philippine Sea, si Aghon ay patuloy na lalakas at maaabot ang typhoon category sa Miyerkules.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with