^

Bansa

Namamagang paa ni Revilla nagpatalsik kay Zubiri

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinagulat ni Sen. Nancy Binay na dahil sa namamagang paa ni Sen. Bong Revilla Jr. kaya napatalsik sa pwesto si ­dating Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ayon kay Binay, medyo weird isipin na sa dinami-dami ng conspiracy theories na nagsilabasan sa likod ng kudeta sa Senado ay isang namamagang paa lang ang dahilan ng pagpapatalsik kay Zubiri.

Ang reaksyon ng senadora ay dahil sa pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa na dahil sa pagtanggi ni Zubiri na payagan si Revilla na padaluhin sa plenary sessions virtually dahil maga ang paa kaya nagalit ang mga senador na nag-udyok para patalsikin ang dating senate president.

Sinabi pa ni Dela Rosa sa naunang interview na sina Sens. Francis Tolentino at ngayon ay Senate President Francis Escudero ang nag-moved para payagan si Revilla na dumalo sa online session, subalit tumanggi si Zubiri.

Sinabi pa ni Binay na ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng politika sa bansa na nagkaroon ng kapangyarihang magpatalsik sa pwesto ang isang paa.

“Kung ‘yung paa ang dahilan ng pagkatanggal sa pwesto ni Sen. Migz, masasabi natin thay they have really put their best foot forward. If a sore foot can inspire such decisive action, just imagine what a fully functioning pair of feet could do. But for now, the foot has spoken. Sama-sama para sa paa ni Sen. Bong Revilla,” giit pa ng senadora.

Sinabi naman ni Binay na mananatiling ‘solid 7” ang kanilang grupo at magsisilbing tagapagmasid at active ­fiscalizers sa 19th Congress.

vuukle comment

NANCY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with