^

Bansa

Inupakan ni Bong Go: DSWD namimili ng inaayudahan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ni Senador Christopher “Bong” Go sa pampublikong pagdinig sa Senado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pagkaantala, hindi tugma o hindi parehas na pamamahagi ng tulong sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ( AICS) program nito.

“Ako po’y kadalasang tumutulong po sa mga mahihirap nating kababayan. Nagbibigay po ako ng aking counterpart mismo dito. Personal ko ito, hindi po ito mula sa DSWD – ‘yung mga grocery packs, galing po sa akin ‘yan, pagkain, pinapa-merienda ko sila… vitamins, mga face masks. Gusto ko talagang tulungan sila ‘yung mga naging biktima ng sunog, lindol, putok ng bulkan, buhawi, at iba pang disaster,” ani Go.

Gayunpaman, ibinahagi niya ang kamakailang kaso na nangyari sa Alaminos, Pangasinan kung saan pinagbawalan umano ng isang tauhan ng DSWD ang mga benepisyaryo na tumanggap ng suporta mula sa tanggapan ni Go at inutusan silang huwag banggitin ang pangalan ni Go sa pamamahagi ng tulong.

“Unang-una, totoo ba ito na bawal po bang banggitin ang aking pangalan, pero sa ibang pulitiko hindi bawal? …Hindi niyo po kailangan banggitin ‘yung pangalan ko, hindi ko po kailangan ‘yan. Sabihin niyo lang po sa kanila tulungan po ito mula sa gobyerno, tulungan po ito sa mga mahihirap ‘Wag lang po tayo maging selective... ‘Wag niyo po haluan ng pulitika,” anang senador.

“Ito pa ang pangalawa. Bakit bawal akong pumunta? Bakit ‘yung ibang pulitiko, hindi bawal pumunta?,” tanong niya.

Kinuwestiyon din ni Go si DSWD Sec. Rex ­Gatchalian tungkol sa diumano’y piling pamamahagi ng tulong ng ahensya, tulad ng mga naantalang pagbabayad sa Mindanao.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with