^

Bansa

Pangulong Marcos umaasang maiiwasan na China harassment

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos umaasang maiiwasan na China harassment
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

Matapos ang joint maritime activity sa West Philippine Sea

MANILA, Philippines — Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maiiwasan na ang mga insidente ng pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang multilateral maritime cooperative activity.

Sa ambush interview kay Pangulong Marcos dito sa Bacolod, sinabi niya na naging maganda ang katatapos lang na aktibidad sa pagitan ng Australia, Japan, Estados Unidos at Pilipinas nitong linggo Marso 7.

Matagal na aniya na plinano ang aktibidad at base sa nakuha niyang mga ulat ay napakahalaga nito pagdating sa “interoperability” para magkakilala ang bawat navy ng mga bansa at matuto na mag-operate ng sama-sama.

Ginagawa rin anya ng gobyerno ang lahat kabilang na ang pakikipag-usap sa ministerial level, sub-ministerial leve, at sa people to people level para makausap ang liderato ng china at Beijing para sabihin na huwag na masyadong painitin pa ang sitwasyon.

Kaya umaasa si Marcos na maiiwasan na ang mga insidente ng agresyon ng China sa Pilipinas matapos ang multilateral maritime cooperative activity.

Pakiusap pa ng ­Pangulo na “mag-usap tayo nang mabuti para walang bangayan, walang cannon at water cannon”.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos ang paglulunsad ng Cebu-Negros-Panay 230 kilo volt project sa Bacolod City.

vuukle comment

HARASSMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with