^

Bansa

‘Gentleman’s agreement’ ni Digong sa China, binira

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Gentleman�s agreement� ni Digong sa China, binira
Harry Roque
STAR/ Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Nahuhuli ang isda sa sariling bibig!

Ito ang mariing reaksyon ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro laban sa pahayag ni Atty. Harry Roque na ang dahilan umano sa pambobomba ng ‘water cannon’ ng China sa mga barko ng Pilipinas ay dahil sa nabuong ‘gentleman’s agreement ‘ sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng pamahalaan ng China.

“Nakakagalit na may mga dati tayo ng opisyales na ganito na halos ibenta na ang Pilipinas,” ayon kay Castro bilang tugon sa sinabi ni Roque, dating Presidential Spokesperson ni Duterte na may verbal agreement ito sa China na pananatilihin ang status quo sa WPS.

Nilinaw naman ni Roque na ang nasabing agreement ay nagbabawal sa Pilipinas na magsagawa ng anumang pagko-konstruksiyon at pagkukumpuni ng mga instalasyon sa inookupa nitong mga isla sa WPS pero hindi umano ito binding o wala ng bisa na maaring magamit sa panibagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Sumosobra na talaga ang Tsina sa ginagawang harassment na ito kaya naman din nananawagan kami sa House leadership na isalang na sa pagdinig ang House Resolution 1216 para ipatawag si Atty. Roque at kung totoo nga na ipinagkasundo ni dating Pang. Duterte ang Ayungin shoal at kung ano pang mga deals niya sa Tsina,” giit ni Castro.

“Isa kasi ito sa mga ginagamit na dahilan ng Tsina para harasin ang mga Philippine vessels sa sarili nating exclusive economic zones kaya dapat na maungkat natin ito,” giit pa ng lady solon na umaasang kahit naka-break ang sesyon ng Kongreso ay magsagawa ng pagdinig sa isyung ito.

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with