^

Bansa

India aprub mag-angkat ng bigas sa Pinas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mapapalakas pa ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa India pagdating sa sektor ng agrikultura.

Sa courtesy call ni Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang, sinabi nito na malaking tulong sa suplay sa Pilpinas ang pagpayag ng India na makapag-angkat ng bigas.

Matatandaan na Oktubre noong nakaraan, inaprubahan ng India ang pag export sa Pilipinas ng 295,000 metriko tonelada ng non-basmati white rice.

Ito ang pinakamalaking alokasyon ng bigas ng India sa isang dayuhang bansa matapos tanggalin ang restriction sa tinatawag na specific nations.

Kaya naman ipinaaabot ni Pangulong Marcos ang kanyang pasasalamat kay Indian Prime Minister ­Narendra Modi sa pamamagitan ni Jaishankar.

Iginiit din ng Pangulo na napakahalaga ng ganitong tulong o ang pagsu-supply ng bigas sa bansa sa gitna ng nararanasang tagtuyot dala ng El Niño para matiyak ang sapat na suplay.

Hindi lamang sa mga produktong pang-agrikultura ang pinalalakas na relasyong pangkalakalan ng dalawang bansa kundi maging sa iba pang aspeto tulad ng imprastraktura at depensa.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with