^

Bansa

Bicol Region transshipment ng droga, P14.28 milyong shabu nasabat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Inamin ni Philippine Drug Enforcement Agency-Bicol regional director Edgar Jubay na ginagawa ngayong transshipment point ng mga sindi­kato ng iligal na droga ang Kabikolan na dinadala patungo sa ibang lugar o rehiyon.

Nakumpirma rin ito ng PDEA sa ilang buwan nilang operasyon sa iba’t ibang panig ng rehiyon na ang pina­kahuli ay ang matagumpay na high value impact operation na ginawa sa Brgy. Hidhid, Matnog, Sorsogon laban sa dalawang suspek na patungong Mindanao dahilan para mabawi ang nasa P14.28 milyong halaga ng shabu na nakatakda sanang dalhin sa Lanao Del Sur at Marawi City. 

Ang malalaking volume ng droga mula Metro Manila na nasabat sa Bicol nitong mga nakaraan ang layong ibagsak sa Visayas at Mindanao Regions.

Ayon kay Jubay, mula Enero hanggang Marso 22, 2024 umabot na sa P63,600,582 ang halaga ng nabawing droga mula sa 49 high value targets. Pinakamalaking nabawi ay mula sa Camarines Norte na may P16,104,962; sunod ang Naga City, P15,553,854; P14,280,000 sa Sorsogon at P10,152,795 sa Camarines Sur.

Karamihan sa nasabat na droga ay nakatakdang dalhin sa ibang rehiyon pero nahuli ang mga suspek dahil sa sinubukang magbenta ng ilang bahagi ng dalang kontrabando sa Bicol.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with