^

Bansa

RBH 7 pasado sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pasado na sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang Resolution of Both Houses (RBH) 7 o ang pag-amyenda sa economic provision ng 1987 Konstitusyon.

Sa viva voce voting nitong Miyerkules ng gabi sa plenaryo ay ganap na naipasa ang reporma sa economic charter change.

Una nang tiniyak ni Majority Leader Manuel Jose ­Dalipe na taliwas sa mga espekulasyon ay walang ­amyenda sa pulitika sa economic cha-cha.

Sa ilalim ng panukala sa pagbibigay ng legislative franchise at ownership ay (60-40) sa public utilities sa ilalim ng Article XII, pag-aari sa basic educational facilities (60-40) sa ilalim ng Article XIV at ownership ng advertising firms (70-30) sa ilalim naman ng Article XVI.

Inihayag ni House Committee on Appropriations Vice Chairperson Rep. Teodorico Haresco Jr. na kung tatanggalin ang mga balakid sa foreign ownership ay lilikha ito ng dalawang milyong trabaho na makakatulong para mabawasan ang unemployment rate.

Ayon kay Haresco sa limang malalaking ekonomiya sa ASEAN ay napag-iiwanan ang Pilipinas ng Indonesia, Malaysia,Singapore at Thailand simula pa 2010 at 2020.

Matapos maipasa sa ikalawang pagbasa ay inaasahang ipapasa ang RBH 7 sa ikatlo at pinal na pagbasa sa susunod na linggo bago mag-Holy Week break ang Kongreso.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with