^

Bansa

Imee pinagpapaliwanag sa P13 bilyong pondo sa 4Ps

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Imee pinagpapaliwanag sa P13 bilyong pondo sa 4Ps
Senator Imee Marcos on January 31, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Matapos aminin ni Sen. Imee Marcos na inilipat nito ang P13 ­bilyong alokasyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong nakaraang taon, humingi ng paliwanag ang isang lider ng Kamara sa senadora kung bakit nito nagawang alisan ng ayuda ang halos 900,000 pamilya o 4.3 milyong Pilipino.

Sinabi ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” C. Suarez na dapat ding sabihin ni Sen. Marcos kung ginawa rin niya ito sa mga nauna pang taon.

“Unang-una, I think the question is, dahil inamin ng ating mahal na Senador na nagbawas syang pondo (para sa 4Ps), I think ang tanong is, ilang milyong Pilipino ang naapektuhan dahil dun sa pondong nawala?” sabi ni Suarez bilang tugon sa tanong sa isang press conference.

“Ang mas malaking tanong, ilang milyong Pilipino at ilang households ang naapektuhan dahil nailipat ‘yung pera at mukhang hindi lang yata noong 2023 nangyari ito,” dagdag pa ni Suarez.

Sa isang pahayag, inamin ni Sen. Marcos na inirekomenda nito na ilipat ang P8 bilyong pondo para sa 4Ps sa ibang programa ng DSWD gaya ng supplemental feeding, Kalahi-CIDSS, Quick ­Response Fund for disasters, at AICS nang talakayin ang panukalang 2023 national budget noong 2022.

Ipinunto ni Suarez na ang 4Ps program ay hindi basta-bastang proyekto ng gobyerno dahil ito ay mayroong batayang batas—ang Republic Act (RA) No. 11310 o ang 4Ps Act.

“Wag natin kakalimutan, 4Ps is a law.  It’s not just a regular program, it’s not just a project that comes and goes. It’s a law. It has specific ­beneficiaries. It has specific objectives and therefore the funding has to be secured to support the intent of the program,” giit ni Suarez.

Nauna rito, umapela si House Assistant Minority Leader at 4Ps Partylist Rep. JC Abalos II kay Sen. Marcos na huwag na ­muling bawasan ang pondo para sa 4Ps ­program ng DSWD.

vuukle comment

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with