^

Bansa

Tulfo, Galvez nagkasagutan sa isyu ng korapsiyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasagutan sina Senator Raffy Tulfo at Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. sa pagdinig ng Senado dahil sa akusasyon na  may nangyayaring korapsiyon sa pagbibigay ng amnestiya sa mga komunista at rebeldeng Muslim.

Sinabi ni Tulfo na may bahid ng katiwalian ang decommissioning ng mga da­ting rebelde na nakakatanggap ng P100,000 bawat isa.

Halatang ikinagalit ni Galvez ang naging akusa­syon ni Tulfo at sinabing hindi sila korap.

“Don’t tell us that we’re corrupt,” pahayag ni Galvez na halatang nairita sa sinabi ni Tulfo na umano’y may katiwalian sa proseso nang pagbabalik loob sa gobyerno ng mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front.

Binanggit ng senador ang sariling ulat ni Galvez sa komite na mayroong 26,132 decommissioned combatants pero 4,625 na armas lamang ang kanilang isinuko sa gobyerno.

Kahit ang mga walang isinusukong armas ay nakakatanggap ng P100,000 cash ang mga nagbabalik-loob sa gobyerno.

Kinuwestiyon ni Tulfo ang “malaking pagkakaiba” na ito, at binanggit na ang cash grant na ibinigay sa mga sumuko ay umabot na sa P2.6 bilyon.

Nang sabihin ni Galvez na hindi sila corrupt, nilinaw ni Tulfo na hindi ang peace adviser ang tinutukoy niya kundi ang ilang tao sa loob ng kanyang organisasyon na maaaring sangkot sa katiwalian.

“Definitely, I take offense that you’re already telling us that there’s a corruption. I believe thats not a correct accusation to us,” sabi ni Galvez.

Pero pinanindigan ni Tulfo ang kanyang pahayag na may katiwalian sa pag-decommission ng mga da­ting rebelde.

Tinanong ni Tulfo kung bakit nagagalit si Galvez gayong hindi naman ito ang kanyang tinutukoy.

“Because you’re accu­sing us that our organization is corrupt,” ani Galvez.

vuukle comment

MUSLIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with