^

Bansa

Ex-ERC exec kinasuhan ng graft sa Ombudsman

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahaharap sa panibagong kaso ng graft o paglabag sa Republic Act No. 3019 si dating Energy Regulatory Commission (ERC) Commissioner Alfredo J. Non, matapos ang reklamong inihain ni Atty. Paris Real, abogado ng mga power consumer sa Office of the Ombudsman nitong nakaraang linggo.

Sa reklamo ni Real, nakasaad na nagpabaya  umano si Non sa pag-akto na gawin ang ‘regulatory reset process ng mga Distribution Utilities (DUs).

Una nang napatawan si Non ng Ombudsman ng isang taon na pagkakasuspinde “without pay” sa nauna nitong kaso rin ng graft sa nasabing Korte.

Matatandaang si Non ay naging Officer-in-Charge ng ERC mula Hunyo 2015 bago may naitalang bagong Chairman noong 2017.

Nagsilbi ito bilang Oversight Commissioner na nangangasiwa sa mga ‘public consultations at mga hearing hinggil sa pagpapatakbo ng mga DUs.

Sa bagong reklamo, sinabi ni Real na hindi ginampanan ni Non ang kanyang tungkulin para bawalan ang mga DUs sa bansa na pag-update ng mga ito sa kanilang distribution rate “sa loob ng pitong taon”.

vuukle comment

ERC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with