^

Bansa

Duterte dapat irespeto ng Senado, House

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Kung dadalo sa pagdinig sa ICC

MANILA, Philippines — Sakaling dumalo sa pagdinig si dating Pangu­long Rodrigo Duterte dapat ay bigyan siya ng nararapat na paggalang ng Senado at Kamara.

Ang posibleng pagdinig at kaugnay sa resolusyon na humihikayat kay Pangulong Bongbong Marcos na makipagtulungan sa imbestigasyon sa giyera kontra droga ng nagdaang administrasyon.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, dapat ay ibigay sa da­ting Pangulo ang nararapat sa kanya dahil nagtrabaho siya para sa ating bayan at ang mga filipino ang dapat humusga sa kanya hindi ang banyaga.

Nilinaw pa ni Go na hindi pa niya natatalakay sa dating Pangulo ang tungkol sa ICC resolution subalit nakausap niya ang legal team nito at bahala na si Duterte mag desisyon kung dadalo siya o hindi sa pagdinig sakaling imbetahan siya ng kongreso.

Kaugnay nito nagpahayag naman ng suporta ang senador kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nabansagang No. 2 akusado sa imbestigasyon ng ICC.

Bilang kanilang kapartido at kasamahan sa Senado naniniwala si Go na ginampanan lang ni dela Rosa ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng PNP noong panahon ni Duterte.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with