^

Bansa

Kampo ni De Lima balak rumesbak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kampo ni De Lima balak rumesbak
Former senator Leila de Lima raises her hand as she shouted "I'm free" upon her release from the custodial facility in Camp Crame, Quezon City on November 13, 2023.
Photos by Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Planong buweltahan ng kampo ni dating Senador Leila de Lima ang mga taong nag-akusa sa kanya at nagdawit sa kanya sa illegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni Atty. Dino de Leon, na pinag-usapan na nila ng kanyang team ang tamang hakbang para sa pagtutuos sa kanilang “political prosecutors”.

Giit pa ni De Leon, hindi maaaring walang managot laluna sa mga ‘bumaboy’ sa justice system ng bansa.

Ayon pa sa abogado, ang mga taong nasa likod ng frame-up at sangkot sa politial persecution sa dating senador ay dapat managot dahil sa pagkakabilanggo ni De Lima sa loob ng mahigit anim na taon.

Samantala, umaasa naman si De Lima para sa pagkikita ng kanyang pamilya sa kanilang lalawigan at muling maibalik ang normal na buhay sa lalong mada­ling panahon matapos na makapag-bail at makalabas ng bilangguan nitong Lunes.

Nagtungo rin ang dating senador sa Minor Basilica sa Our Lady of the Rosary sa Manaoag, Pangasinan kahapon at inamin na wala pa siyang tulog matapos makalabas sa Camp Crame dahil sa matinding pagod.

Subalit ang mahalaga umano ngayon ay kasama na niya ang kanyang mga kaibigan at sa mga susunod na araw ay makakasama na ang kanyang pamilya at muling makakabalik sa kanyang normal na buhay.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with