^

Bansa

Pagkanyon uli ng CCG sa Philippines supply ship sa WPS, kinondena ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Senador Christopher "Bong" Go ang muling pag-atake ng Chinese Coast Guard sa pamamagitanng water cannon sa isang bangka ng Pilipinas na naghahatid ng mga supply sa tropang Pilipino na nakatalaga sa isang outpost sa Ayungin Shoal noong Biyernes, Nobyembre 10.

“As vice chairman of the committee on national defense, hindi lang po nakakabahala kundi atin po itong kinokondena.” "Ang walang-paggalangna pag-uugaling  ito sa ating teritoryo ay hindi lamang tahasang pagsasawalang-bahala sa mga internasyonal na batas maritime kundi isang direktang hamon din sa karapatan sa soberanya ng ating bansa," ayon kay Go.

Ibinunyag ng National Task Force-West Philippine Sea (NTFWPS) na hinarang at hinarass ng Chinese Coast Guard at Maritime Militia ang mga resupply ship ng Pilipinas na patu go sa BRP Sierra Madre outpost sa Ayungin Shoal.

Gumamit ang CCG ng mga mapanganib na taktika, kabilang ang water cannon sa M/L

Kalayaan supply vessel at panggigipit sa iba pang bangka gamit ang rigid-hulled inflatable boat. Sa kabila ng mga probokasyong ito, natapos ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas ang kanilang misyon.

Gayunpaman, kinuwestiyon ni Go ang magulong pahayag ng China sa pagsasabing, "how can they speak of the rule of law while simultaneously violating international norms and the sovereign rights of other nations by putting Filipinos’ lives at risk with their bullying tactics.”

Kaya upang mapabuti ang maritime capabilities ng bansa, inihain ni Go ang Senate Bill No. 2112, o ang Philippine Coast Guard (PCG) Modernization Bill na naglalayong i-upgrade ang mga kagamitan at resources ng PCG Kung maisasabatas, inaasahang mapapahusay din ng PCG ang pagtugon nito sa insidente ng emergency sa dagat.

vuukle comment

CHRISTOPHER "BONG" GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with