^

Bansa

Noche buena meat products may taas presyo - DTI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Noche buena meat products may taas presyo - DTI
Meat products are up for sale at a public market in Marikina on June 23, 2023.
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Asahan na ng mga mamimili ang pagtaas sa noche Buena meat pro­ducts dahil sa 15%-20% na itinaas sa production cost ng meat processors, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) nitong Lunes.

Ito’y matapos maki­pagpulong ang DTI sa mga meat processors bilang paghahanda na rin sa dara­ting na holiday season.

Nilinaw ng DTI na ‘very minimal’ lang ang ipinatong na dagdag sa presyo ng meat products tulad ng iba’t-ibang klase ng hamon.

Ito aniya ay nasa hanggang 4% lang naman dahil hangarin din ng meat processors na maging masaya ang mga Pilipino na makapaghanda ng inaasam nila gaya ng hamon.

“Hindi lahat ng hamon ay tumaas based sa aming pag-monitor. Hindi naman. ‘Yun ang nakita namin, kinolekta namin yung manufacturers’ SRP, at hindi naman talaga lahat nagtaas,” paliwanag ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco sa isang public briefing.

Payo ni Pacheco sa mamimili na alamin sa ila­labas nilang Noche Buena guide upang maikumpa­ra ang mga presyo ng iba’t-ibang produkto para mapagplanuhan na ang bibilhin bago pa magtungo sa grocery o supermarket.

Isusunod naman ng DTI ang pakikipagpulong sa iba pang manufacturer ng Noche Buena items.

vuukle comment

DTI

MEAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with