^

Bansa

‘Haikui’, severe tropical storm na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Haikui�, severe tropical storm na
Ayon sa PAGASA, alas-11 ng umaga kahapon si Haikui ay namataan sa layong 1,465 kilometro silangan ng extreme northern Luzon sa labas ng PAR taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 110 kph at pagbugso na aabot sa 135 kph.
PAGASA

MANILA, Philippines — Naging isang severe tropical storm na ang international Tropical Cyclone Haikui na ngayo’y nagbabantang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, alas-11 ng umaga kahapon si Haikui ay namataan sa layong 1,465 kilometro silangan ng extreme northern Luzon sa labas ng PAR taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 110 kph at pagbugso na aabot sa 135 kph.

Si Haikui ay inaasahang pumasok na sa PAR nitong Miyerkules at inaasahang kikilos pahilagang kanluran. Oras na pumasok sa PAR si Haikui ay tatawaging bagyong Hanna.

Inaasahan na maaabot ni Hanna ang peak intensity sa Biyernes o patuloy na lalakas sa susunod na limang araw.

Ang bagyo ay paiitingin ng habagat kaya’t magkakaroon ng mga pag-ulan sa western portion ng Luzon at Visayas ngayong linggo.

Samantala, napanatili ng bagyong Goring ang kanyang lakas na 195 kph at pagbugso na 240 kph.

Dulot nito, nakataas ang signal number 2 sa Batanes at Babuyan Islands at signal number 1 sa Ilocos Norte, northern portion ng Abra, Ilocos Sur, Apayao at northern at central portion ng Cagayan.

Inaasahan na lalabas ng bansa si Goring Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga. Mananatiling isang super typhoon si Goring hanggang Biyernes kahit nasa labas ng PAR.

vuukle comment

TROPICAL CYCLONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with