^

Bansa

Water level sa Angat Dam, tumaas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumaas na sa 193 metro ang antas ng tubig sa Angat­ Dam, na siyang nagsusuplay ng 97% ng pangangailangan sa tubig sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa PAGASA, ito ay 13 metrong mas mataas sa  minimum operating level na 180 metro lamang.

Anang state weather bureau, ang pagtaas ng antas ng tubig ay dulot ng patuloy na mga pag-ulan na dala ng mga bagyong Egay at ng Habagat.

Sa 6 am bulletin ng PAGASA, nabatid na ang water level ng Angat ay tumaas mula sa 191.70 metro noong Hulyo 29 hanggang 193.84 metro noong Hulyo 30.

Bukod sa Angat, tumaas rin ang water level ng iba pang dam sa nakalipas na 24-oras, kabilang ang La Mesa, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat Dam.

Samantala, bumaba pa rin ang water levels sa iba pang dam na kinabibilangan ng Ipo, Ambuklao at Caliraya Dam.

Hulyo 4 nang magdeklara ang PAGASA ng pormal na pagsisimula ng El Niño.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with