^

Bansa

2 bagong barko ng Philippines Navy, gagamitin sa pagpapatrolya sa WPS

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gagamitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang bagong barko ng Philippine Navy sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea.

Sinabi ito ng Pangulo para umano maipakita na patuloy na nagpapalakas ang Pilipinas sa kapabilidad sa usapin ng seguridad at depensa.

“Oh yes, oh yes. Lahat ‘yan ginagamit talaga natin pang-patrolya, hindi lamang sa West Philippine Sea kung hindi doon sa civil defense,” ani Marcos.

Gagamitin din ang mga barko sa search and rescue operation pati na sa relief operations.

“So, all the duties, they are already — since they have already been commissioned then talagang ito ay isasama na natin sa imbentaryo ng ating mga barko para gagamitin, both for the defense from external forces and also for civil defense sa pagtulong sa mga disaster na nangyayari dito sa Pilipinas,” pahayag pa ng Pangulo.

Sinaksihan ng ­Pangulo ang commissioning ng dalawang bagong Israeli-made fast attack interdiction gunboat na bahagi ng ika-125 a­nibersaryo ng Philippine Navy.

Ang gunboats ay ipinangalan sa dalawang Filipino Marines na nasawi sa gitna ng labanan, ang BRP Gener Tinangag at BRP Domingo Deluana. (Malou Escudero) Lora, na pawang bumawi sa kanilang testimonya.

Dahil sa pagiging state witness, si Javier aniya ay hindi pa nasasampahan ng kaso sa kabila ng aku­sasyon na siya ay ­responsable sa “Pamplona massacre”.

Nang i-turn over sa National Bureau of Investigation (NBI) si Javier ay naisailalim siya sa Witness Protection Program bilang testigo laban sa isang Marvin Miranda, ang sinasabi ni Justice Sec. Crispin Remulla na director at casting director sa Degamo’s killing at kay Rep. Arnolfo Teves Jr., na producer naman umano.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with