^

Bansa

74-anyos Pinay, sinuntok habang naglalakad sa New York

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa na namang Pinay na edad 74 ang naging biktima ng pananakit sa New York City noong nakaraang Miyerkules.

Sa isang advisory, sinabi ng Philippine Consulate General sa New York na ang Pinay ay nag­lalakad sa kahabaan ng Madison Avenue malapit sa East 52nd Street noong Miyerkules nang biglang suntukin nang walang “provocation” ng hindi kilalang suspek.

Isang social media clip ang ibinahagi ni Consul General Elmer Cato ay nagpakita sa Filipina na bumagsak sa lupa kasunod ng pag-atake.

Sinabi ni Cato sa Twitter na karamihan sa mga kaso ng “unprovoked assaults laban sa mga Filipino sa New York ay kinakasangkutan ng mga matatandang babae.

“Most of the high profile cases of unprovoked assaults against Filipinos in New York City that have been reported or monitored involve elderly women like this,” ani Cato.

Pinayuhan ng Konsulado ang Filipino community lalo na ang mga bumibisita sa New York na manatiling mapagbantay at mag-ingat habang naglalakad sa mga lansangan.

vuukle comment

NEW YORK CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with