^

Bansa

Benepisyaryo ng 4Ps, priority sa pagbabalik ng NFA rice

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Benepisyaryo ng 4Ps, priority sa pagbabalik ng NFA rice
Ayon kay Agriculture William Dar, kung may sapat nang suplay ng bigas sa bansa ang mga benepisyaryo ng 4Ps ang first priority na makikinabang sa NFA rice.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan ang unang makikinabang sakaling maibalik ang state-subsidized NFA rice sa mga palengke at iba pang pamilihan sa bansa.

Ayon kay Agriculture William Dar, kung may sapat nang suplay ng bigas sa bansa ang mga benepisyaryo ng 4Ps ang first priority na makikinabang sa NFA rice.

“Kung meron nang enough supply, maidadagdag natin yung ibang pobre natin. Kung tataasan pa natin yung subsidiya ng NFA, then i-include na yung mga pobre. As we have more budget for NFA, mas marami naman yung ilalabas nila na rice every now and then para sa NFA outlets,” paliwanag ni Secretary Dar.

Mula August 2019 ay hindi na naibenta ang NFA rice sa mga pamilihan.

Una rito, niliwanag ng DA na para maging abot-kaya ang presyo ng bigas, maglalabas muli ng NFA rice sa mga pamilihan pero ito ay para lamang sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

vuukle comment

4PS

NFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with