^

Bansa

11 pulis-Bulacan sibak sa pagpatay sa 6 drug suspects

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
11 pulis-Bulacan sibak sa pagpatay sa 6 drug suspects
Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, nasa restrictive custody ng PNP ang 11 pulis na sinampahan na ng kasong kidnapping with murder.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinibak ni PNP chief Gen. Archie Gamboa ang 11 pulis ng San Jose Del Monte, Bulacan na sangkot sa pagpatay sa anim na drug suspect sa buy-bust operation noong Pebrero.

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, nasa restrictive custody ng PNP ang 11 pulis na sinampahan na ng kasong kidnapping with murder.

Nakilala ang mga pulis na sina PMajor Leo Commendador dela Rosa; PStaff Sergeants Benjie Enconado, Jayson Legaspi, Irwin Yuson, Edmund Catubay Jr.; P/Corporals Jay Leoncio, Herbert Hernandez, Raymond Bayan, Raul Malgapo; at Patrolmen Erwin Sabido at Rusco Madla.

Siniguro naman ni Gamboa ang buong kooperasyon at suporta ng PNP sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa mas malalim na imbestigasyon sa 11 pulis na pawang miyembro ng Drug Enforcement Unit ng San Jose Del Monte City Police Station na nameke ng report sa buy-bust operation.

Una nang sinabi ng Bulacan police na drug suspects ang anim at nasawi dahil sa palitan ng putok matapos magtangkang tumakas.

Subalit ayon sa NBI, hinuli ang mga suspek sa harap ng bahay ni Dela Rosa at dinala sa opisina nito kung saan tinali habang naka-blindfold.

Makaraan ang ilang araw, dinala ng mga pulis sa isang lugar ang mga biktima at pinagbabaril upang ipakita na nanlaban ang mga ito.

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with