^

Bansa

‘Dagdag scheme’ sa brownout sa Iloilo binanatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inakusahan ng ba­gong distribution utility na More Electric and Power Corp. (More Power) ang Panay Electric Company (PECO) ng umano’y pagmamani­pula ng mga numero sa insidente ng power outages sa Iloilo City para palabasin sa Energy Regulatory Commission (ERC) na nagkukulang ito at hindi karapat-dapat bilang power supplier ng Iloilo City.

Ayon sa More Power, malinaw na paninira ang ginagawa ng PECO na nagsabing sa pagitan ng Pebrero 29 hanggang Hulyo 16,2020 ay uma­bot sa 412.20 oras ang naranasang brownout sa Iloilo City gayong sa tunay na datos umano ay umabot lamang sa kabuuang 182.13 oras ang power interruption.

Giit pa ng kumpanya na higit sa kalahati ng power interruption ay pawang nakaiskedyul at may abiso sa mga maapektuhang consumer bilang pagbibigay-daan sa gagawing pagkukumpuni.

Bwelta pa ng More Power, hindi sila papa­yag sa “dagdag scheme” ng PECO kung saan dinagdagan ng 230 oras ang haba ng brownout na pawang kasinunga­lingan at naglalayon lamang na siraan sila sa ERC at sa mata ng mga Iloilo Consumers.

Ang nasabing mga numero ang ginamit umano ng PECO na dahilan sa ERC para ipanawagan na ibalik sa kanila ang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) at sila muli ang makapag-operate ng power supply sa Iloilo City bagama’t nauna na itong tinanggalan ng operational permit, business permit mula sa Iloilo City at legislative franchise.

Nilinaw ni More Power Spokesperson Jonathan Cabrera, hindi lahat ng naranasang power interruption ay galing sa More Power bagkus may mga unscheduled outages na nangyayari na resulta naman ng problema sa linya ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) o sa ibang generator, force majeure at mula sa depektibong equipment ng PECO na minana ng More Power.

 

vuukle comment

ERC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with